Powered By Blogger

Wednesday, April 18, 2012

Paradisland, The Holy Sanctuary

one more day and its my first month of me not steppin in my own land... but im thankful/grateful to my bandmates/friends who brought me here in this island.. i thought about this way back 2008, that ill be workin here at diego garcia, singing my ass out throughout the island.. and it came true..



ok tama na english hahahaha.. hindi na ako makaisip ng kelangan ko pang ienglish ahaha.. (for those who clicked this blogsite that are my friends on facebook... for tagalog sentences that you dont seem to understand, type in to your address bar this site "translate.google.com". thank you for visiting my blogpage. :*) ayon, bale magiisang taon na ulit bago ako magsulat ulit dito.. at alam nyo naman na kung bakit na naman ako nagsusulat.. shet. wala na magawa dito sa isla pag gantong oras kungdi tumunganga at magisip isip ng mga anek anek. ayoko ng gantong pagkagising eh stress na stress ka na kakaisip.. ahahahaha.. di malaman kung ano gagawin.. lalo na pag weekends.. tsssss......

ayon, madami na din nangyari sa loob ng 1 at kalahating taon (siguro) sa buhay ko. ay grabehan. sobra ahahaha.. lahat ng kamalasan at lahat ng kaswertehan eh nandon. syempre alam mo naman ang buhay minsan ng tao parang pelikula at minsan magiging bida ka pa, pero syempre ang bida sa umpisa lagi ka inuupakan muna, lagi ka kawawa, lagi kang malas, at lagi kang inaapi.. bwahahahahahha! un ung pag andun ka sa sitwasyon eh feeling mo wala nang pag-asa, paulit ulit na lang ung mangyayari kahit na matapos na ung unang paghihirap mo, sasanayin mo na lang ung sarili mo sa mapang-aping mundo. ako, mismo, naramdaman ko yan ng todo todo.. oh shet talaga yan.. pero alam ko din na pagdating sa dulo at naniniwala pa din ako sa sinasabi ng marami na we could live "happily ever after". posiitive vibes lang.. :D

kasalukuyang nakapag gym na ko at nakakain ng tanghalian, at natapos na din ang 1 oras na praktis, at sinabayan ko na din ng paglalaba at pag plantsa ng isusuot para mamaya.. ayos na, ligo na lang kulang.. bukas.. isang bwan ko na dito sa isla.. magandang pangitain na ito.. SWELDO NA, at makakapagpadala na din ako kina ermats at utol.. ang sarap ng feeling pag natupad ko ung pinangako ko sa kanila na "aahon tayo sa hirap ma sa pagkanta ko, kapit ka lang.." sana nga makaipon ng wagas para tuloy tuloy lang ang kita..



hanggang sa muli.. maliligo na ko at baka malate ako..

No comments:

Post a Comment